Filipinos are commemorating Andres Bonifacio's death anniversary today, but our thoughts are clouded by the impending super-typhoon Reming (international name, Durian), which has thankfully veered away from Manila but is now threatening Southern Luzon provinces.
Andres Bonifacio is like the second National Hero of the Philippines, after the great Jose Rizal. He is best well-known for his founding of and membership to the Katipunan. The Katipunan follows 14 rules or principles known as the Kartilya. The last time I heard about the Kartilya was perhaps ten years ago back in gradeschool; its contents are even more distant to my mind. I'm glad someone in one of my e-groups forwarded the list to me which I am pasting below. I'd appreciate receiving an English translation of this as well.
I cannot vouch for this list's authenticity, but, now, if humankind were to follow these set of principles, perhaps the world could be a better place to live in.
Ang Kartilya ng Katipunan
K1. "Ang buhay na hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilananay kahoy na walang lilim, kundi (man) damong makamandag."
K2. "Ang gawang magaling na nagbubuhat sa paghahambog o pagpipita sa sarili(paghahangad na makasarili), at hindi talagang nasang gumawa ng kagalingan, aydi kabaitan."
K3. "Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang- gawa, ang pag-ibig sa kapwaat ang isukat ang bawat kilos, gawa't pangungusap sa talagang katuwiran."
K4. "Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao'y magkakapantay;mangyayaring ang isa'y hihigitan sa dunong, sa yaman, sa ganda ...; ngunit dimahihigitan sa pagkatao."
K5. "Ang may mataas na kalooban, inuuna ang (dangal o) puri kaysa pagpipitasa sarili; ang may hamak na kalooban, inuuna ang pagpipita sa sarili sa puri."
K6. "Sa taong may hiya, salita'y panunumpa."
K7. "Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang nawala'y mangyayaringmagbalik; ngunit panahong nagdaan na'y di na muli pang magdadaan.
K8. "Ipagtanggol mo ang inaapi; kabakahin ang umaapi."
K9. "Ang taong matalin'y ang may pag-iingat sa bawat sasabihin; matutongipaglihim ang dapat ipaglihim.
K10. "Sa daang matinik ng buhay, lalaki ang siyang patnugot ng asawa at mgaanak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, ang pagtutunguhan ng inaakay aykasamaan din." (Ang simula nito'y obserbasyon sa ugnayan ng babae at lalaki sapanahon ng Katipunan; para sa kasalukuyan, iminumungkahing ipalit angsumusunod: "Sa daang matinik ng buhay, ang mga magulang ang patnugot ngmag-anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, ang pagtutunguhan ng inaakay aykasamaan din.")
K11. "Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan lamang,kundi isang katuwang at karamay (ng lalaki) sa mga kahirapan nitong buhay;gamitin mo nang buong pagpipitagan ang kanyang (pisikal na) kahinaan, atalalahanin ang inang pinagbuhatan at nag-iwi sa iyong kasanggulan.
K12. "Ang di mo ibig gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huwag monggagawin sa asawa, anak at kapatid ng iba."
K13. "Ang kamahalan ng tao'y wala sa pagkahari, wala sa tangos ng ilong atputi ng mukha, wala sa pagkaparing kahalili ng Diyos, wala sa mataas nakalagayan sa balat ng lupa: wagas at tunay na mahal na tao yaong may magandangasal, may isang pangungusap, may dangal at puri, yaong di nagpapaapi't dinakikiapi; yaong marunong magdamdam at marunong lumingap sa bayang tinubuan."
K14. "Paglaganap ng mga aral na ito, at maningning na sisikat ang araw ngmahal na kalayaan dito sa kaaba-abang Sangkapuluan at sabugan ng matamis niyangliwanag ang nangagkaisang magkakalahi' t magkakapatid, ng ligayang walangkatapusan, ang mga ginugol na buhay, pagod, at mga tiniis na kahirapa'y labisnang matutumbasan.
Thursday, November 30, 2006
Kartilya
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment